Thursday, May 3, 2012

Kapitan Sino


Kapitan Sino
ni Bob Ong

THERE IS SOMETHING STRANGE IN THE NEIGHBORHOOD.

Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isnag matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat Bahay; sumagip sa mga mag-anak na tinagay ng tubig-baha; nag-landing ng maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog s aisang iganteng robot. Pero sino ang taong 'yon? Maliligtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?


---------------------------------------------------
Kadalasan ang unang katangi-tanging masasabi ng karamihan patungkol mga akda ni Bob Ong ay ang kakatawanan nito. Inaamin ko din na ang bagay na iyon ang nagpapasabik sa akin sa pagbabasa ng kanyang akda. Sino ba naman ang hindi matutuwa at matatawa sa kanyang makatotoong pagsulat tungkol sa mga bagay ng totoong nararanasan nating mga Pilipino, sa mga bagay na wala namang kinalaman ngunit nakakapangiti sa atin, sa kanyang mga naranasan kung saan karamihan ay nakaranas na din ng parehong bagay at sadyang nakakatuwa alalahanin.

Ang aking paborito sa kanyang mga akda ay ang Alamat ng Gubat. Nakakatuwa, nakaka-aliw at may mapupulot na aral. Matagal ng nakatambay sa bahay namin ang Kapitan Sino. Iniregalo ko ito sa aking kapatid mga ilang taon na ang nakakalipas at nuong isang araw ko lang naisipan basahin.

Hindi ako handa sa mga pangyayari. Nagsumila ang aklat bilang isang tipikal na maikling nobela ni Bob Ong (alam ko, nabasa ko na ang McArthur). Tungkol ito kay Rogelio na may kakaibang kakayahan at sa pagtutulak ng kanyang kaibigan na si Bok-bok na gamitin ang kanyang kakayahan sa pagtulong sa kapwa at nabuo si Kapitan Sino ang bagong super hero ng Pelaez.

Maliban sa mga kakaibang kapangyarihan at mga kalabang halimaw, ang aklat na ito ang masasabing kong salamin sa mga kalye ng ating bansa. Nakakalungkot isipin na kahit sukdulan ang pagkakalarawan ng mga sitwasyon sa kalye ng aklat na ito ay mapapangiwi ka sa katotohanan binabasa mo. At isa ito sa aklat na may pinakamalungkot na wakas. Nakakalungkot ngunit marahil ay sinadya ito upang masabi ng maayos at maibahagi ng mabuti ang mensahe na dito sa ating lipunan at walang pagkakaisa. Makakasarili, mayayabang at walang pakundangan ang mga ugali ng karamihan.

Ngayon lang ako humanga ng ganito sa isang manunulat na Pilipino. Hindi natin kailangan ng mabubulaklak na salita. Laos na ang tipikal na anak mahirap na umibig sa anak mayaman. Hindi makatarungan ang pagsulat ng isang akda patungkol sa mga nakakataas na antas lamang kung saan napakababa ng tingin sa mga mahihirap.

Sa Kapitan Sino ako nagsimula magnais na maging bayani ng buhay ko. Dahil hindi lang ito pangkaraniwang kwento tungkol sa isang bayani. Tinuturuan tayo nito na hindi kailangan ng pangalan upang maging bayani, ang sa ating sarili magsisimula ang pagbabago ng Pilipinas.

Mga Hindi Malilimutang Linya Hango sa Kapitan Sino:


“Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”

"Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag."

"Walang bayaning makapagliligtas sa akin dahil ang pinakamalaking kalaban ko ay ang sarili ko."

"Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon."

Marami pang mababasa dito.

No comments:

Post a Comment